Hindi Lang Dilawan Ang May-Ari Ng EDSA Revolution

Hindi lang talagang pagtataka na ilang taon na ang EDSA ay bagsak pa rin. Hindi mo ba napansin ang #EDSAisDead na hashtag? Bakit kaya ito? Maari talaga ito dahil sa mga Dilawan na gustong angkinin na ang EDSA lang ay para sa kanila. Naalaala niyo pa ba ang ginawa ni Jim Paredes nakaraang tatlong tao sa anibersaryo ng EDSA? Hindi porket na hindi nagsasabi si Paredes ng "p*tangina" na disente siyang tao. Ang ginagawa niya ay PAMBUBULLY pero tinakpan pa rin yun ng ABiaS-CBN, diba?

Kailangan natin tandaan ang mga aral ng EDSA. Bakit naman pinatalsik si Ferdinand E. Marcos Sr. galing sa pwesto? Ito ay dahil sa 20 na taon ng pagiging diktadora. Hindi naman masama ang mahaba na termino kung mabuti lang sana. Kaso ang mga Marcos Years ay hindi dapat matawag natin ng golden years. Malakas ang inflation dahil sa kronyismong kapitalismo o economic protectionism, kinuha niya ilang pribadong kumpanya at nilagay sa kamay ng gobyerno (at hindi po magandang imbestor ang gobyerno kontra sa pribadong imbestors), at libo-libong utang ng administrasyon sa pampabango sa imahen ni Marcos. Kaya't dapat lang bumagsak ang administrasyong Marcos. At dapat lang nilibing si Marcos sa tabi ni Carlos P. Garcia sa Libingan Ng Mga Bayani dahil silang dalawa ay bayani ng proteksyonismo.

Kung titiisin natin hindi lang ang Liberal Party ang nandoon sa EDSA. Bakit noon punong-puno ang EDSA noong taong 1986? Dahil hindi lang Dilawan ang nagkaisa laban sa diktador na si Marcos. Bakit ilagay ang lahat ng kredit kay Cory Aquino na hindi naman siya namumuno ng EDSA? Kung titiisin ang nanay rin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na si Soledad Duterte rin ay kasama sa EDSA. Kung titiisin hindi lang Dilawan pala ang pumunta ng EDSA. Lahat-lahat ay nagkaisa ng isang tunay na People Power. Hindi maaari magtagumpay ang EDSA kung Dilawan lang ang pumunta doon. Pero bakit pakiramdam ng mga Dilawan sila lang ang may-ari ng EDSA?

Isa pa bakit galit mga Dilawan sa mga Marcos kung mahal naman nila ang proteksyonismong ekonimiya? Baka gusto lang nila ng kapangyarihan. Hindi lang ang Marcos Years ang dahilan kung bakit bagsak ng ekonomiya ng matagal. Gusto rin sana ni dating pangulong Fidel V. Ramos na palitan ang depektibong 1987 Constitution ng mas mabuting gobyerno sa pamagitan ng parliamentarismo, federalismo, at bukas na ekonomiya. Pero ano ang ginagawa ng mga Dilawan? Nagpapadala ng maling inpormasyon kahay't hindi nagawa ang mga reporma na sana gusto ni Ramos na magiging ekonomiyang tigre ang Pilipinas. At nangnaryi ay patuloy pa rin ang OFW program na ginagawa ni MARCOS.

Talagang tama na at sobra na ang ugali ng mga Dilawan parang sila lang ang may-ari ng EDSA. Ang dapat sana ay ipagtama ang mga mali ng adminsitrasyong Marcos. Palitan an sana ang presidential ng parliamentary, ang unitary ng federalismo, at HIGIT SA LAHAT ay buksan ang ekonomiya ng Pilipinas, diba?
LihatTutupKomentar